Recent Posts

Breaking News

Duterte aalagaang mabuti ni Honeylet – Sotto

Nagpaabot na kanilang “wish” ang ilang senador kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong amining malapit nang maging stage one cancer ang sakit niyong Barrett’s esophagus.

Naniniwala si Senate President Vicente Sotto III na sa kabila ng lagay ng kalusugan ng pangulo, sigurado naman aniyang maalaga ito ng kanyang asawang si Honeylet na isang nurse.

“He is past 74 yrs of age. It’s not unusual. I’m sure he will be taken cared of properly knowing the medical background of Honeylet,” sabi ni Sotto.

Wish naman ni Senador Sonny Angara na maging maayos ang kalusugan ng pangulo dahil kailangan siya ng bansa sa gitna ng giyera kontra COVID-19.

“We wish the President good health because the country needs him to be in good shape to face the challenges brought by COVID-19,” sabi ni Angara.

Ganito na rin mensahe nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa pangulo.

“Yes he should. I wish him well,” sabi ni Recto.

“Yes he should take care of his health,” giit naman ni dela Rosa.

The post Duterte aalagaang mabuti ni Honeylet - Sotto first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-aalagaang-mabuti-ni-honeylet-sotto/)

Walang komento