Recent Posts

Breaking News

Duque: Walang nawalang P154B sa PhilHealth

Mariing pinabulaanan ni Health Secretary Francisco Duque III na may nawalang P154 bilyon sa pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa katiwalian nitong mga nagdaang taon.

“I have clarified this before the Blue Ribbon Committee last year, but I will repeat it to set the record straight: there is no such thing as a P154-billion loss,” pahayag ni Duque, chairman ng PhilHealth Board of Director, sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole.

“In fact, I am presenting to you this June 10, 2020 letter from COA chairman [Michael] Aguinaldo, confirming that there is no such finding in the published COA annual audit reports,” dagdag nito.

Sa pamamagitan na teleconferencing, sinabi pa ni Duque na laban siya sa korapsyon matapos ulanin ng iba’t ibang alegasyon ang ahensiya na nagresulta sa magkakahiwalay na imbestigasyon sa Senado, Kamara at sa Presidential Anti-Corruption Commission.

“I would like to state for the record that I am for zero tolerance on fraud and corruption,” sabi ni Duque.

Tiniyak din ng kalihim na na walang pondo nailabas para sa panukalang P2.1 bilyon na information technology project ng PhilHealth dahil nasa proposal stage pa lang ito.

Wala rin umano ‘favoritism’ sa paglabas ng pondo sa ilalim Internal Reimbursement Mechanism (IRM), isang emergency cash advance measure para sa mga sakuna at kalamidad sa panahon ng pandemya.

“On the allegations of the ‘palakasan system’ on the release of funds under IRM, we assure you that there is none,” sabi ni Duque.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duque-walang-nawalang-p154b-sa-philhealth/)

Walang komento