Recent Posts

Breaking News

Duque tiklop kay Lacson! IRM bawal gamitin sa dialysis, panganganak

Ginisa ni Senador Panfilo Lacson si Health Secretary Francisco Duque III matapos nitong sabihin na puwedeng mabigyan ng advance deposit ang mga dialysis center at maternity clinic sa ilalim ng intermin reimbursement mechanism (IRM).

Paliwanag ni Duque sa pagdinig sa Senate Committee of the Whole, wala umanong mali sa pagsama sa mga dialysis center at maternity ward sa IRM ng PhilHealth dahil apektado rin umano ito ng COVID-19 pandemic.

“We are in a war against an invisible enemy and COVID patients are not the only casualties in this war,” giit ni Duque.

“IRM funds are not exclusive to hospitals catering to COVID-19 patients, because this PhilHealth mechanism ensures the provision of benefits for Filipinos,” aniya pa.

Dito na nagtanong si Lacson kung may nakasaad ba sa mga dokumento patungkol sa IRM kung puwedeng mabigyan ng emergency fund ang mga pasilidad na walang kinalaman sa COVID-19.

“Maski hanapin niyo maghapon, walang kayong makikita na magju-justify na puwede sakupin ng IRM ang non-COVID cases. Maski isang linggo kayo maghanap, wala kayo makikita,” sambit ng mambabatas.

Ayon kay Lacson, ginagamit lang ang IRM sa mga unforeseen event tulad ng mga super typhoon, pag-alburoto ng bulkan, giyera at pandemya.

“Ang dialysis po ba, fortuitous event? Hindi. ‘Yung maternity care fortuitous event po ba ‘yun? Hindi,” lahad pa ni Lacson.

“‘Yang sinasabi ninyo, hindi tatama sa fortuitous event na COVID-19.”

Sumang-ayon naman si Duque at pinangakong itatama ang paraan ng paggamit ng IRM ng PhilHealth.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duque-tiklop-kay-lacson-irm-bawal-gamitin-sa-dialysis-panganganak/)

Walang komento