Recent Posts

Breaking News

Duque: Lockdown ‘di na kakayanin ng bansa

Lusaw na ang kakayahan ng Pilipinas na muling magpatupad ng mahabang lockdown para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi na kayang magpatupad ng bansa ng striktong community quarantine dahil sa posibleng maging masamang epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

“We can no longer afford to revert to a higher quarantine status of MECQ (modified enhanced community quarantine) or ECQ because that will irreversibly injure if not damage the economy beyond repair,” saad ni Duque.

Apat na buwan ding sumalang sa mahigpit na lockdown ang Metro Manila, dahilan para bumagsak sa recession ang estado ng ekonomiya ng bansa.

Sa ngayon ay nasa general community quarantine ang Metro Manila, na tinitingnan pa kung pwedeng ilipat sa mas maluwag na modified GCQ sa pagpasok ng Setyembre.

The post Duque: Lockdown 'di na kakayanin ng bansa first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duque-lockdown-di-na-kakayanin-ng-bansa/)

Walang komento