Recent Posts

Breaking News

Duque, Duterte tinanggap resignation ni Morales

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte at Health Secretary Francisco Duque III ang pagbibitiw sa puwesto ni PhilHealth CEO-President Ricardo Morales.

Ayon ito kay Duque ngayong Huwebes, Agosto 27.

“Tinanggap natin at ni Pangulo ang kanyang pagbibitiw sa pwesto dahil sa kanyang kalusugan,” ani Duque.

Naghahanap na aniya ng kapalit si Duterte at inaasahang magkakaroon na ng bagong PhilHealth President-CEO ngayong linggo.

Samantala, kinilala rin ni Duque ang pagbibitiw sa puwesto ni PhilHealth Senior Vice President Rodolfo del Rosario Jr.

Matapos sabihin ni Duterte na mag-resign na si Morales alang-alang sa kalusugan nito, agad nagbigay ang huli ng resignation letter kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Si Morales ay nag-leave of absence sa kanyang tungkulin matapos ianunsiyo na siya’y sumasailalim sa chemotherapy dahil sa lymphoma, isang tipo ng cancer.

Hindi na rin ito nakadadalo sa pagdinig ng Senado at Kongreso ukol sa umano’y malawakang korapsyon sa PhilHealth bilang pagsunod sa abiso ng kanyang doktor.

The post Duque, Duterte tinanggap resignation ni Morales first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duque-duterte-tinanggap-resignation-ni-morales/)

Walang komento