Recent Posts

Breaking News

Drilon: IRM ng PhilHealth itigil na!

Nais ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na i-abolish na ang Interim reimbursement mechanism (IRM) na PhilHealth Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa gitna na isyu na iregularidad sa payment system nito.

“Itigil na itong IRM. Kaya nagkakaroon nito dahil ang bagal ng pagbayad ng PhilHealth doon sa mga claimants under the PhilHealth regular program,” pahayag ni Drilon sa panayam sa DZBB.

“Ibig sabihin ang mga ospital ay hirap na hirap na, marami silang mga serbisyo na nagawa na at humihingi ng reimbursement sa PhilHealth, hindi naibibigay ang reimbursement,” dagdag pa nito.

Ang IRM ay isang sistema kung saan nagbibigay ang PhilHealth na advance payment para sa mga ospital at iba pang health facility na may pasyente ng COVID-19.

Dahil sa panawagan ng mga senador, inihayag ng PhilHealth noong Huwebes na kanila nang sinuspende ang implementasyon ng IRM scheme.

Pero sa kabila ng suspensiyon, sinabi ni Drilon na tuloy-tuloy pa rin dapat ang pagbibigay ng PhilHealth benefits para sa COVID-19 cases.

“Ang sinuspinde yung further advances, ang patuloy na pag-advance ng pondo para sa COVID,” sabi ni Drilon.

Ayon pa kay Drilon, hindi kakailanganin pa ng ang IRM kung maayos lang aniya ang payment system sa PhilHealth.

“Kung ayusin na nila ang sistema at mabilis ang pag-reimburse ng claims sa PhilHealth, hindi kailangan ang interim reimbursement mechanism,” sabi ni Drilon.

“Doon pa lang sa pangalan na reimbursement, mali na h dahilan sa hindi naman yan totoo na reimbursement kundi advances,” wika pa nito.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/drilon-irm-ng-philhealth-itigil-na/)

Walang komento