Recent Posts

Breaking News

DOTr humihingi ng P1B para sa bike lane

Inihayag ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOT) na humihingi sila ng P1 bilyong pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act para magpatayo ng bike lane network sa Metro Manila.

Sa panayam kay DOTr Assistant Secretary Mark Steven Pastor sa Teleradyo ngayong Huwebes, sinabi nito na layon ng proyekto na isulong ang alternatibong transportasyon ngayong nahaharap sa pandemya ang bansa.

Aniya, ang mga ipagagawang bike lane ay lalagyan ng permanenteng barrier.
Kasalukuyan pang pinag-uusapan ng mga mambabatas sa bicameral conference committee ang pinal na bersyon ng Bayanihan 2.

The post DOTr humihingi ng P1B para sa bike lane first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dotr-humihingi-ng-p1b-para-sa-bike-lane/)

Walang komento