Recent Posts

Breaking News

Donovan, Jazz balik sa tono

Niluray ni Donovan Mitchell ang depensa ng Denver Nuggets sa kanyang mga nakakahilong pasa sa kaagahan ng laro.

Nang lumuwag ang depensa, pinagliyab naman niya ang basket.

Ang resulta ay 124-105 win ng Utah Jazz para itabla ang first-round series sa 1-1. Game 3 bukas (Manila time).

Matapos magpasabog ng 57 – third-highest scoring playoff game sa kasaysayan ng NBA – noong Game 1, kinulambuan si Mitchell ng depensa ng Nuggets nitong Miyerkoles.

Pero hinanap niya ang mga kakampi, at sinamantala ng outside shooters ng Jazz ang open looks. Naka-6 points lang si Mitchell sa first half pero 9 for 11 sa 3-pointers ang mga kakampi, apat dito galing sa assists ni Mitchell.

“In my first two years, all I saw was the rim,” ani Mitchell, namigay ng 8 assists. “So I pride myself on being a better passer, playmaker.”

Kinamada ni Mitchell ang 21 sa kanyang 30 points sa third quarter.

Nag-ambag si Jordan Clarkson ng 26 points sa Utah. May 19 points at 7 rebounds si Rudy Gobert, 18 points at 6 assists si Joe Ingles. Kabuuan ay 20 for 44 sa labas ng arc ang Jazz.

Naglista ng tig-28 points sina Nikola Jokic at Michael Porter Jr. sa Denver

The post Donovan, Jazz balik sa tono first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/donovan-jazz-balik-sa-tono/)

Walang komento