Recent Posts

Breaking News

DOJ: Tagas sa PhilHealth office dahil sa baradong alulod

Tinurong salarin ng Department of Justice (DOJ) ang pirasong tela na bumara sa alulod ng Ilocos office ng PhilHealth na naging dahilan ng pagtagas ng tubig sa naturang opisina.

Saad ng DOJ, mahirap mapatunayan kung sadya ba ang paglalagay ng tela sa alulod.

Samantala, paliwanag ng PhilHealth na wala naman umanong nasirang dokumento sa naturang opisina, at tanging mga computer at ilang equipment lang ang nasira.

Matatandaan na ilang senador ang kumuwestiyon sa timing ng pagtagas sa PhilHealth regional office, kaya’t pinaimbestigahan ito sa National Bureau of Investigation.

Ito’y dahil kasabay ito ng gumugulong na panggigisa sa ilang opisyal ng PhilHealth dahil sa malawakang korapsyon sa ahensya.

The post DOJ: Tagas sa PhilHealth office dahil sa baradong alulod first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doj-tagas-sa-philhealth-office-dahil-sa-baradong-alulod/)

Walang komento