Recent Posts

Breaking News

DOH: Mga LSI, nagtatrabaho COVID carrier sa bahay

Nasa 80% kaso ng COVID-19 infection sa bansa ang nangyari nitong mga nakalipas na araw lamang at isa sa mga tinitingnan na dahilan ng community transmission ay ang mga locally stranded individuals na nag-uuwian sa probinsya gayundin ang mga nagtatrabaho na posibleng makapag-uwi ng virus sa kanilang tahanan.

Inihayag ito ni Department of Health (DOH) Secretary Maria Rosario Vergeire sa tv interview sa kanya Lunes, Agosto 31, ng umaga kung saan binanggit nito na may pinakamaraming kaso pa rin ang National Capital Region (NCR) at ang Region 4A o CALABARZON.

“We are seeing transmission in families from people going to work and spreading it at home,” sabi ni Vergeire.

Ito’y dahil na rin umano sa aktibong surveillance ng mga awtoridad sa COVID-19 pandemic.
Subalit wala namang tinukoy si Vergeire na partikular na mga workplace o trabaho na posibleng pinanggagalingan ng COVID transmission sa mga pamayanan. Kung kaya’t mahalaga aniya na sumunod ang mga tao sa pinatutupad na mga health standard o protocol para na rin sa kaligtasan kontra COVID-19.

“We are looking at different sources. Not just banks and cashiers….people are bringing the cases to their homes that is why we are asking people to comply with health standards,” sabi ni Vergeire.

“We have workplace surveillance and saw clusters of infection and working with them,” aniya pa.

Nabatid pa na ang ginagawa nila ngayon ay hindi na hinihintay pa ang mga pasyente kundi tinutukoy na ang mga barangay kung saan mayroong virus transmission at nagsasagawa agad ng active case surveillance para mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19.

“We are not pinpointing specific workplaces. The initial ones we have controlled already,” sabi ni Vergeire.

Nakikipagtulungan na umano sila sa mga local government unit (LGU) para sa house-to-house upang mabawasan ang bilang ng COVID infection.

The post DOH: Mga LSI, nagtatrabaho COVID carrier sa bahay first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-mga-lsi-nagtatrabaho-covid-carrier-sa-bahay/)

Walang komento