Recent Posts

Breaking News

DOH dapat sisihin sa pagkalat ng COVID – Red Cross

Ang dapat managot sa pagkalat ng COVID-19 sa mga kabahayan at komunidad, ayon sa Philippine Red Cross, ay ang late na paglabas ng resulta ng Department of Health sa mga COVID-19-positive na indibidwal.

Nag-volunteer noong nakaraang linggo ang PRC upang tulungan ang gobyerno na maglabas ng resulta sa mga nagpositibong pasyente.

Ito’y matapos lumabas sa records ng Red Cross na at least one-third ng higit 15,700 kumpirmadong kaso mula July 30 ang hindi pa alam na nahawa sila sa virus.

Dahil anila dito, nade-delay ang isolation ng mga nagpositibong pasyente at kaya nagkakahawaan sa mga komunidad.

Hindi agad nare-release ng PRC ang positive COVID-19 result sa pasyente dahil batay sa protocol, kailangan muna itong ipadala sa DOH.

Pero ngayon, sinabi ng Red Cross na magsisimula na silang maglabas ng resulta sa mga pasyenteng nagpa-test sa kanilang mga testing facility.

“We welcome the DOH authorization, given the urgency of the situation, where more positive COVID cases are recorded in our country. They may have been dangerously increasing community transmission of the disease. We have devised a mechanism for releasing positive results to the individuals concerned without compromising the necessary protocols,” ani PRC chair at Senador Dick Gordon kahapon.

Pumayag na kasi ang DOH sa kanilang hinaing mekanismo, at kinumpirma ito sa sulat ni DOH Secretary Francisco Duque III sa PRC.

“The DOH notes and poses no objection to the proposed mechanism of the PRC that the positive results shall initially be released to the DOH prior to individuals to trigger appropriate surveillance efforts of the national government and concerned local governments,” sabi ng kalihim.

Marami sa mga molecular lab ng PRC ang nakapagsasagawa ng 40,000 test kada araw.

Sa katunayan, as of August 15, nakapagsagawa na ang Red Cross ng kabuuang 484,151 test o katumbas ng 22 percent ng 2,083,806 cumulative samples na na-test nationwide simula Abril 14.

The post DOH dapat sisihin sa pagkalat ng COVID - Red Cross first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-dapat-sisihin-sa-pagkalat-ng-covid-red-cross/)

Walang komento