Recent Posts

Breaking News

DILG iimbestigahan 2 barangay official sa Cavite

Sisiyasatin umano ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang napaulat na pagtatalik ng dalawang barangay official sa DasmariƱas, Cavite habang nasa online meeting.

Napaulat na napanood sa Zoom (teleconference) meeting ang pagse-sex ng barangay captain ng Barangay Fatima Dos sa DasmariƱas at treasurer nito. May asawa ang dalawang opisyal.

Dapat sanang pag-uusapan sa meeting ng barangay officials ang mga plano para malabanan ang pagkalat ng COVID-19 sa barangay.

“If true, this is unbecoming of an elected government official,” ani DILG spokesperson Jonathan Malaya.

“Tinitiyak po naming iimbestigahan ang insidenteng ito at pananagutin ang barangay captain ng kung anong karampatang parusa ng batas sa inasal niya,” dagdag niya.

The post DILG iimbestigahan 2 barangay official sa Cavite first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dilg-iimbestigahan-2-barangay-official-sa-cavite/)

Walang komento