Recent Posts

Breaking News

‘Di na unified: Dine-in capacity ng mga resto depende sa mga mayor

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang limitasyon ng dami ng mga pwedeng dine-in customer sa mga kainan ay nakadepende na sa pasya ng mga alkalde.

Ito, ngayong binalik ang Metro Manila at ilang probinsya sa general community quarantine o GCQ.

“Ang dine-in naman at least allowed ngayong GCQ, pati mga salons. Pero sa usapan na rin namin, iniwan na rin sa kanila yung pag-decide kung ano yung nararapat na operating capacity sa kanilang lugar,” wika ng kalihim sa isang radio interview, Huwebes.

“In principle, gusto lang din nilang masigurado yung physical distancing ay ma-o-observe at all times sa mga restaurants located sa kanilang mga lugar kaya yun po ang adjustment,” dagdag niya.

Pwede rin daw lumabas ng bahay ang mga food service worker at iba pang authorized person kahit curfew hours na, ayon din sa napagkasunduan ng Metro Manila mayors.

Ang unified curfew sa NCR ay mula 8PM hanggang 5AM. Sabi ni Lopez, pansamantala lang ito.

Matatandaang dati, pwede ang dine-in nang hanggang 50 percent capacity sa mga kainan sa GCQ areas.

The post 'Di na unified: Dine-in capacity ng mga resto depende sa mga mayor first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/di-na-unified-dine-in-capacity-ng-mga-resto-depende-sa-mga-mayor/)

Walang komento