Recent Posts

Breaking News

‘Di mañanita, ‘di party: Dinner para kay Gamboa ang naganap – DILGSDC

Hindi raw party para kay Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa kundi isang “dinner” lang ang nangyari sa Baguio City.

Ayon ito kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya ngayong araw.

Hindi niya naman tinukoy kailan naganap ang “dinner”.

“Nakarating na sa’min sa DILG ngunit wala pong katotohanan ang ganiyang paratang,” sabi ng kalihim sa ABS-CBN’s Teleradyo, Agosto 17.

“Sinunod po ng pamunuan ng PNP ang lahat ng pamantayan. It was not a party, it was a dinner dun po sa cottage ng chief PNP sa Navy Base sa Baguio,” aniya pa.

Punto pa ni Malaya, pwede ang mass gathering na may limited participants sa Baguio dahil nakasailalim ito sa general community quarantine.

Pareho ng paliwanag sina Malaya at Gamboa na hindi party kundi dinner ang nangyari sa Baguio.

Noong Mayo naman, naging matindi ang pambabatikos ng madla sa naging birthday celebration ng isa ring pulis, si Metro Manila Police chief Debold Sinas.

Bawal sa panahong iyon ang mass gathering dahil nakasailalim sa mahigpit na lockdown ang nasa rehiyon.

Depensa noon nina Gamboa at Sinas, hindi party ang naganap kundi isang “mañanita” o biglaang harana para sa may birthday.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/di-mananita-di-party-dinner-para-kay-gamboa-ang-naganap-dilg/)

Walang komento