Recent Posts

Breaking News

DFA: 135K Pinoy umuwi sa ‘Pinas dahil sa COVID

Umabot sa 135,000 Pinoy na nakabase abroad ang napilitang bumalik sa Pilipinas dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa tala ng Department of Foreign Affairs, sirit sa 135,290 ang bilang ng mga Pilipino na umuwi sa Pilipinas buhat nang magsimula ang pandemya noong Pebrero.

Sa nasabing bilang, 3,000 seafarer ang inasistehan ng DFA para makauwi sa bansa.

Dahilan ng mga Pinoy abroad, mas nais nilang umuwi sa Pilipinas dahil na rin walang trabaho at pagkakakitaan sa ibang bansa.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dfa-135k-pinoy-umuwi-sa-pinas-dahil-sa-covid/)

Walang komento