Recent Posts

Breaking News

DepEd lalong paghahandaan ang balik klase sa Oct 5

Puspusan ang gagawing paghahanda ng Department of Education (DepEd) para sa pagbubukas ng klase sa October 5, 2020.

Inihayag ito ng DepEd matapos iatras sa October 5 ang balik klase batay na rin sa rekomendasyon kay utos ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapaghandaan pa ang pagsisimla ng School Year 2020-2021.

Ayon sa DepEd, ang mga susunod na linggo hanggang October 5 ay gagamitin upang ang mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ay lubos pang makapaghanda para sa pagbubukas ng klase.

Bukod sa mahigit 500 simulation na naisagawa ng DepEd para sa blended learning ngayon mayroong pandemya ay magpapatuloy din umano ang kanilang mga orientation, dry run at paghahatid ng mga learning material sa iba pang lugar sa bansa.

Unang itinakda ng DepEd sa August 24, 2020 ang balik klase subalit nagkaroon ng mga panawagan na iatras pa ito dahil sa kawalan umano ng sapat na kahandaan.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/deped-lalong-paghahandaan-ang-balik-klase-sa-oct-5/)

Walang komento