Recent Posts

Breaking News

DepEd Central Office sarado muna

Pansamantalang isasara ang central office (CO) ng Department of Education sa Pasig City.

Ayon sa opisyal na pahayag mula sa tanggapan ni DepEd Secretary Leonor Briones, ito ay para sa complex-wide disinfection at contact tracing na magtitiyak ng kaligtasan ng skeleton workforce ng ahensiya.

Magsisimula ito ngayong Miyerkoles, Agosto 19, at tatagal hanggang Linggo, Agosto 23. Sasakop ito ng dalawang official working days.

Samantala, ipagpapatuloy ng ahensiya ang mga critical operation nito kahit home-based na muna ang lahat ng mga tauhan ng CO.

“Financial obligations, salaries and benefits of all DepEd teaching and non-teaching personnel are already being processed, and shall be promptly paid,” batay sa statement.

“Virtual productivity tools will be consistently utilized for official and work-related matters,” dagdag nito.

Ang desisyon ay kinasa ng DepEd Task Force COVID-19, sa direktiba ni Briones.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/deped-central-office-sarado-muna/)

Walang komento