Recent Posts

Breaking News

Davao Oriental inuga ng lindol

Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa Davao Oriental ilang minuto pa lang ang nakararaan.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naganap ang pagyanig 42 kilometro northeast sa bayan ng Baganga nitong alas-8:24 ng umaga, Agosto 24.

Ang tectonic na lindol ay may lalim na 19 kilometro.

Dahil dito’y naramdaman ang Instrumental Intensity II sa Bislig City, Surigao del Sur; at Instrumental Intensity I sa Malungon, Sarangani at Gingoog City, Misamis Oriental.

Sabi ng Phivolcs, ang pagyanig ay hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ni aftershock.

The post Davao Oriental inuga ng lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/davao-oriental-inuga-ng-lindol-3/)

Walang komento