Recent Posts

Breaking News

Dahil sa COVID-19, walang USTET ngayong taon

Walang gaganaping University of Santo Tomas Entrance Test (USTET) ngayong taon, o para sa School Year 2021-2022.

Sa anunsiyo ng UST Office for Admissions, sa website ng pamantasan, sinabi na dahil ito sa anti-coronavirus quarantine na kasalukuyang epektibo sa bansa.

“For the Academic Year 2021-2022, the University of Santos Tomas Entrance Test (USTET) will not be administered in consideration of the quarantine restrictions that are currently in effect in the country,” ayon sa OFAD.

Sa halip, pwedeng mag-apply ang aspiring Growling Tigers sa pamamagitan ng University of Santos Tomas Admission Rating (USTAR).

Ang USTAR ay isang admission process na pangunahing nakabatay sa academic performance at record ng aplikante. Ibig sabihin, mas may tiyansa makapasok ang mga mag-aaral na may matataas na grado.

Maraming netizen naman ang nalungkot sa anunsiyo ng UST.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dahil-sa-covid-19-walang-ustet-ngayong-taon/)

Walang komento