Recent Posts

Breaking News

COVID test gamit laway susuriin ng RITM

Pag-aaralan ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang bagong COVID-19 test kit kung saan tanging laway lang ang ginagamit para malaman kung infected ang isang tao.

Ayon kay Department of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development executive director Dr. Jaime Montoya, susuriin kung maaari bang gamitin sa bansa ang naturang test kit.

“Meron na pong mga aprubadong pag-aaral na isasagawa upang malaman kung ito’y talagang magagamit sa Pilipinas o hindi,” saad ni Montoya sa CNN Philippines.

“Ito palang pag-aaral na ito ay gagawin ng RITM sa ilang mga lugar at siyudad dito sa Kamaynilaan na under sa zone ng RITM,” aniya pa.

Ang naturang diagnostic tool ay tinatawag na SalivaDirect, na binigyan na ng emergency use authorization ng Food and Drug Administration sa Estados Unidos.

The post COVID test gamit laway susuriin ng RITM first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-test-gamit-laway-susuriin-ng-ritm/)

Walang komento