Recent Posts

Breaking News

COVID-survivor sa US 2M na

Dalawang milyong katao na ang gumaling mula sa sakit na COVID-19 sa United States.

Sa partikular, ayon sa Johns Hopkins CSSE dashboard, ang bilang ng kanilang COVID-19 survivors ay umakyat na sa 2,020,774.

Limang milyon (5,737,398) naman ang nahawa habang sandaang libo (177,215) ang ginupo ng novel coronavirus sa Amerika.

Sa ngayon, ang US ang nangunguna sa listahan ng mga tinamaan at pinatay ng virus worldwide. Pangatlo naman ito sa bilang ng mga naka-recover.

Hanggang ngayong Martes (PH time), umabot na sa 72 milyon (72,889,910) ang kabuuang dami ng mga naisagawang COVID-19 test sa Estados Unidos, na may populasyong humigit-kumulang 330 milyon.

The post COVID-survivor sa US 2M na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-survivor-sa-us-2m-na/)

Walang komento