Recent Posts

Breaking News

COVID-survivor sa Russia 800K na

Tumalon na sa 802,365 ang kabuuang numero ng mga gumaling mula sa sakit na COVID-19 sa Russia.

Pang-apat ito sa nga bansang may pinakamaraming virus recovery sa daigdig, ayon sa nakalap na datos ng Johns Hopkins University.

Sa parehong dashboard, sinabing 982,573 na ang nahawa habang 16,977 ang yumao dahil sa coronavirus sa nasabing bansa.

Nauna ang Russia sa mga bansang nag-anunsiyo ng kanilang natuklasang bakuna laban sa COVID-19 na binansagang Sputnik V.

May mga natuwa man sa balita, marami ring nagbabala gaya ng Association of Clinical Trials Organizations sa pagpapagamit ng bakuna kahit hindi pa tapos ang clinical trial nito.

The post COVID-survivor sa Russia 800K na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-survivor-sa-russia-800k-na/)

Walang komento