Recent Posts

Breaking News

COVID-survivor sa mundo 15M na

Sa buong mundo, mayroon nang higit 15 milyong indibidwal na gumaling mula sa coronavirus disease 2019.

Ayon sa COVID-19 Dashboard ng Center for Systems Science and Engineering ng Johns Hopkins University, 15,027,662 na ang kabuuang dami ng mga kumpirmadong recovery ng nasabing sakit.

Nangunguna pa rin dito ang Brazil (2,919,647), sinundan ng India (2,280,566) at US (1,997,761).

Samantala, lampas 23 milyong katao (23,318,415) na ang nahawa sa coronavirus. Una sa pinakamaraming bilang ang Estados Unidos (5,699,804), kasunod ang Brazil (3,582,362), at India (3,044,940).

806,630 naman ang tala ng mga ginupo ng COVID-19. Una pa rin ang US (176,765), pangalawa ang Brazil (114,250), at pangatlo ang Mexico (60,254).

Ang bilang ng mga bansa o rehiyon na apektado nitong pandemya ay nananatili pa rin sa 188.

Sa Pilipinas, as of August 23 ay 189,601 mamamayan na ang sapul ng COVID-19. Kabilang dito ang 55,236 aktibong kaso.

Samantala, 2,998 naman ang dami ng pumanaw at 131,367 gumaling mula sa virus.

The post COVID-survivor sa mundo 15M na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-survivor-sa-mundo-15m-na/)

Walang komento