Recent Posts

Breaking News

COVID positive sa ‘Pinas, 143K na

Tumalon sa 143,749 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health, ito’y matapos nilang makapagtala ng 4,444 new infections nitong Miyerkoles.

Nagmula ang pinakamaraming bilang ng bagong kaso sa Metro Manila (2,618); Laguna (233); Cavite (227); Rizal (174), at Bulacan (129).

Samantala, 636 pasyente ang nakarekober sa disease na nagpataas sa total recoveries sa 68,997.

Humampas naman sa 2,404 ang death toll matapos pumanaw ang 93 pasyente.

Sa ngayon ay 72,348 ang active case na naka-quarantine at ginagamot sa virus, 91.3 porsiyento sa kanila ay mild case.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-positive-sa-pinas-143k-na/)

Walang komento