Recent Posts

Breaking News

COVID-positive sa mundo 23M na

Pumalo na sa 23 milyong indibidwal sa daigdig ang nahawa ng respiratory illness na COVID-19.

Ayon sa Johns Hopkins University, Linggo, ang tinamaan ng coronavirus sa 188 sulok ng mundo ay 23,120,830 na.

Nangunguna rito ang US (5,664,848) na sinundan ng Brazil (3,582,362) at India (2,975,701).

Samantala, 802,693 na ang namatay at 14,842,382 na ang gumaling mula sa COVID-19 sa mundo.

Sa Pilipinas naman, 187,249 na ang mga kumpirmadong kaso ng coronavirus.

Kabilang dito ang 2,966 pumanaw at 114,921 naka-recover.

The post COVID-positive sa mundo 23M na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-positive-sa-mundo-23m-na/)

Walang komento