Recent Posts

Breaking News

COVID-positive na pulis 3.5K na

Nadagdagan ng 126 ang bilang ng mga parak na tinamaan ng coronavirus disease 2019.

Kaya naman, as of August 24 ng gabi, ang kabuuang bilang ng mga nagpositibong pulis ay 3,506 na.

Ayon pa sa Philippine National Police Health Service, 16 pulis ang yumao habang 2,521 parak ang gumaling na mula sa COVID-19.

Nauna nang sinabi ni PNP chief Gen. Archie Gamboa na may naitalang pinakamaraming virus-positive na pulis sa National Capital Region, Central Visayas, Calabarzon, at Central Luzon.

The post COVID-positive na pulis 3.5K na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-positive-na-pulis-3-5k-na/)

Walang komento