Recent Posts

Breaking News

COVID-positive na kawani ng Kamara, 60 na

Ngayong Linggo, ang kabuuang dami ng mga tauhan ng Kamara na nahawa sa coronavirus ay umabot na sa 60.

Ang isang bagong kaso, ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales ngayong araw, ay isang lalaking congressional staffer na huling pumasok sa trabaho noong Agosto 17.

Nagkaroon ito ng sintomas at tinest para sa COVID-19 habang nasa probinsya.

Samantala, sinabi ni Montales na 14 na lang ang aktibong kaso ng virus sa Kamara.

The post COVID-positive na kawani ng Kamara, 60 na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-positive-na-kawani-ng-kamara-60-na/)

Walang komento