Recent Posts

Breaking News

COVID nag-mutate sa South Korea

Nakakita ng mutation ang South Korea sa SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng sakit na COVID-19.

Ayon sa Korea Centers for Disease Control and Prevention, tatlong mutated na genome sequence ang kanilang binabantayan, lahat ng mga carrier ng virus ay nagmula sa ibang bansa, dalawa sa Pakistan at isa sa Uzbekistan.

Saad ng KCDC, ang ginagawa ng mutation ay nagpapataas ng protein sa mga carrier, na wala sa 78,810 viral genome sequence sa database ng World Health Organization.

“Three people were self-isolated upon entering the country. There were no people who had contact with them in the country,” ayon kay KCDC chief Jeong Eun-kyeong.

Pag-aaralan pa ng KCDC kung anong magiging epekto ng nasabing mutation na nakita sa new coronavirus.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-nag-mutate-sa-south-korea/)

Walang komento