Recent Posts

Breaking News

COVID gamot ng China pinamudmod sa Cainta

Ibibigay sa mga residente ng Cainta na tinamaan ng COVID-19 na may mild symptom ang Chinese medicine na Lianhua Qingwen.

Saad ni Cainta Mayor Kit Nieto, ang nasabing gamit ay ipagkakaloob sa mga doktor, at nasa sa kanila na kung papaano ito ibibigay sa mga pasyente.

“Mayroong mga doktor na assigned for them to take it. They are mature enough to check on it and make sure it is something that has efficacy and that is not detrimental to their (patients) health,” saad ni Nieto sa panayam sa ’24 Oras’.

Saad ni Nieto, ang nasabing herbal medicine ay ibibigay sa mga COVID-19 patient na naka-home quarantine.

Ang naturang gamot ay aprubado ng Food and Drug Administration para sa sakit sa baga, lagnat at iba pang sintomas, ngunit hindi pa ito natatakan para maging gamot laban sa COVID-19.

The post COVID gamot ng China pinamudmod sa Cainta first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-gamot-ng-china-pinamudmod-sa-cainta/)

Walang komento