Recent Posts

Breaking News

COVID case sa Quezon City lumobo sa 9,540

Sumirit sa 9,540 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City matapos madagdagan ng 247 ang tala ng local government nitong Biyernes.

Ayon sa nilabas na bulletin ng QC, 2,233 sa mga kaso ang tinuturing na active o iyong mga kasalukuyang nagpapagaling pa sa sakit.

Samantala, umabot na sa 6,916 ang gumaling sa lungsod sa 137 bagong nakarekober sa COVID-19.

Habang umakyat naman sa 391 ang nasawi sa anim na dagdag sa death toll.

The post COVID case sa Quezon City lumobo sa 9,540 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-case-sa-quezon-city-lumobo-sa-9540/)

Walang komento