Recent Posts

Breaking News

COVID carrier sa ‘Pinas, halos 130,000 na

Malapit na sa 130,000 mark ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Linggo.

Ayon sa tala ng Department of Health, umabot sa 129,913 ang confirmed cases matapos na madagdagan ng 3,109 ang natamaan ng virus.

Sirit naman sa 59,970 ang active case o iyong mga hindi pa nakakarekober sa sakit.

Bulto ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa NCR na may 1,700, sunod ang Laguna (169), Cebu (114), Rizal (98) at Cavite (93).

Samantala, taas naman sa 67,673 ang kabuuang bilang ng gumaling sa COVID-19, 654 ang bagong nakarekober.

Habang umabot sa 2,270 ang death toll sa 61 bagong nasawi sa virus.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-carrier-sa-pinas-halos-130000-na/)

Walang komento