Recent Posts

Breaking News

COVID-19 vaccine trial sa UAE may mga Pinoy nurse, volunteer

Pinapurihan at nagpahayag ng kanyang pasasalamat ang Philippine ambassador sa mga Pilipinong nurse at volunteer na lumahok sa Phase 3 clinical trial ng COVID-19 vaccine sa United Arab Emirates (UAE).

Ito’y matapos bumisita ni Philippine Ambassador to the UAE Hjayceelyn M. Quintana sa Group 42 (G42) Healthcare station na matatagpuan sa Abu Dhabi National Exhibition Centre (ADNEC).

Ayon sa pahayag ng DFA, sinamahan ni Dr. Waleed Zaher, chief research officer ng Group 42, si Ambassador Quintana para makita ang trial process.

“The ADNEC trial site is currently the biggest of its kind in the world. Since 16 July, the potential vaccine has been administered to over 15,000 people of various nationalities, including Filipino volunteers,” ayon sa DFA.

Sa kanilang pag-iikot sa pasilidad ay nakaharap ni Ambassador Quintana ang mga Pinoy nurse na nagtatrabaho dito bilang mga medical frontliner.

Ayon sa DFA, kabilang ang UAE sa mga bansang nagsasagawa na ng Phase 3 trial para sa bakuna kontra COVID-19. Ang bakunang sinusubok umano ng UAE ay galing sa Chinese company na Sinopharm.

The post COVID-19 vaccine trial sa UAE may mga Pinoy nurse, volunteer first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-19-vaccine-trial-sa-uae-may-mga-pinoy-nurse-volunteer/)

Walang komento