Recent Posts

Breaking News

COVID-19 case sa mundo 22M na

Pumalo na sa 22 milyong indibidwal ang tinamaan ng nakahahawang sakit na COVID-19 sa daigdig.

Ayon sa dashboard ng Center for Systems Science and Engineering (CSSE) ng Johns Hopkins University (JHU), Huwebes, 22,260,914 na ang kabuuang tala ng mga kumpirmadong kaso sa 188 sulok ng mundo.

Kabilang dito ang 784,082 pumanaw at 14,198,187 gumaling.

Sa Pilipinas naman, 173,774 na ang nahawa sa coronavirus. Kabilang dito ang 57,498 aktibong kaso.

2,795 naman ang yumao habang 113,481 ang naka-recover mula sa virus, sa bansa.

The post COVID-19 case sa mundo 22M na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-19-case-sa-mundo-22m-na18/)

Walang komento