Recent Posts

Breaking News

‘Contactless’ COVID-19 contact tracing kinasa sa Valenzuela

Sinimulan na ang high tech na contact tracing scheme sa Valenzuela para mas maging madali ang paghahanap sa mga nakasalamuha ng coronavirus patients sa lungsod.

Binubuo ang Mega Contact Tracing Center ng 100 contact tracer kabilang ang mga data encoder, disease surveillance officer, doktor, nars, at iba pang may background sa medical field.

Sila ang sumasagot sa mga tanong sa e-mail hinggil sa mga naghihinala na nasapul sila ng COVID-19, gayundin sa mga tawag sa kanilang 24/7 hotline na 137-160.

Gamit din ng mga contact tracer ang Bantay COVID-19 software, isang computer program na dinebelop para sa lungsod at pinaglalagyan ng datos para sa contact tracing.

Makatutulong ang software para malaman kung saan dumarami ang mga kaso ng virus at kailangang isailalim sa localized lockdown.

Binuksan ang tracing center noong Agosto 18, at sa ngayon, higit sanlibo na raw ang na-contact trace ng Valenzuela mula sa bagong COVID-19 cases dito.

“Of the 1,006, around 400 something ang naka-schedule for swabbing,” sabi ni City Health Officer Dr. Jaime Exconde Jr. sa isang ulat.

Higit 3,000 ang kasalukuyang dami ng mga kumpirmadong nahawa sa COVID-19 sa lungsod. 880 ang aktibong kaso.

Samantala, 2,670 naman ang gumaling at 115 ang yumao sa Valenzuela dahil sa naturang respiratory illness.

The post 'Contactless' COVID-19 contact tracing kinasa sa Valenzuela first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/contactless-covid-19-contact-tracing-kinasa-sa-valenzuela/)

Walang komento