Recent Posts

Breaking News

Colorum van bumangga sa poste ng MRT, 3 sugatan

Bumangga ang isang AUV sa ilang concrete barrier at sa poste ng MRT-3 sa Quezon City kaninang umaga, kaya nasugatan ang tatlong pasahero nito.

Sa ulat ng DZBB, naganap ang aksidente sa bahagi ng EDSA southbound malapit sa Aurora Tunnel sa Cubao.

Nagtamo ng minor injuries ang tatlong pasahero, at dinala sa East Avenue Medical Center.

Samantala, hindi naman nasugatan ang drayber na nakilalang si Noel Cansejo.

Ang colorum na van, ayon kay MMDA traffic operations chief Bong Nebrija, ay mula Isabela at naningil ng tig-P2,500 kada pasahero para sa biyaheng mula Isabela patungong Metro Manila.

Mayroon itong nakatagong UV Express sticker.

Inamin ni Cansejo na nakatulog siya bago mawalan ng kontrol sa sasakyan.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/colorum-van-bumangga-sa-poste-ng-mrt-3-sugatan/)

Walang komento