Recent Posts

Breaking News

COCOPEA exec: 30% binawas sa miscellaneous fee

Nagbawas ng kanilang miscellaneous fee ang mga pribadong paaralan sa bansa ngayong enrollment sa gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.

Ipinahayag ito ni Atty. Joseph Noel Estrada, managing director ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) kung saan karamihan aniya sa mga binawas ay iyong mga bayaranin para sa mga pasilidad na hindi naman gagamitin sa pag-aaral ngayon dahil wala pang face-to-face classes.

“Ang average na naibawas nasa 30%,” sagot ni Estrada nang matanong hinggil sa isyu ng miscellaneous fees sa panayam sa kanya sa Teleradyo nitong Lunes ng umaga.

Ibinahagi rin ni Estrada sa panayam na hindi naman tinanggal karamihan ng mga guro sa pribadong eskuwelahan.

“May iba very dedicated talaga sa kanilang trabaho kahit no work, no pay,” aniya.
Nagagalak din si Estrada dahil may mga guro na tumutulong umano sa paghahanda ng mga pribadong eskuwelahan para sa balik klase kahit no work, no pay.

“May iba very dedicated talaga sa kanilang trabaho kahit no work, no pay.

Tumulong sa paghahanda para makapagbukas. Kaya kami very determined na makapagbukas dahil para rin sa kanila,” ayon kay Estrada.

Naiintindihan naman umano ng mga guro ang sitwasyon at ang mga ginagawa ng mga pribadong paaralan na “preventive measure” kaysa magsara o magbawas ng mga tao.

Kinakaya pa rin umano nila at nagagawaan pa ng paraan kung kaya’t nagpapasalamat din sila sa masisipag nilang mga guro.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cocopea-exec-30-binawas-sa-miscellaneous-fee/)

Walang komento