Recent Posts

Breaking News

Coast Guard barado kay Locsin

Matapos barahin ang hiling ng Philippine Coast Guard (PCG) para magpadala ng isang kinatawan nila sa Beijing, China sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na wala ring pangangailangan na maglagay nito sa Washington, USA.

“I see no reason for it. We have a defense attaché for national defense issues,” paliwanag ni Locsin sa panayam sa CNN Philippines.

Ayon sa PCG, ang hiling nilang Beijing representative ay nakalinya sa isang memorandum of understanding sa Chinese Coast Guard tungkol sa pagtatatag ng joint committee para mapalakas ang kanilang koordinasyon.

Sa kabila ng dalawang beses na kabiguan nila sa approval ni Locsin, respetado anang PCG ang desisyon ng senior diplomat at patuloy na hahanap ng paraan para lalo pang mapalakas ang pagbibigay-seguridad sa mga karagatang sakop ng bansa.

The post Coast Guard barado kay Locsin first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/coast-guard-barado-kay-locsin/)

Walang komento