Recent Posts

Breaking News

CHED: Kolehiyo, unibersidad wag magbukas kung di pa handa

Pinaalalahanan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga kolehiyo at unibersidad na rebyuhin ang mga preparasyon nila para sa balik klase ngayong taon para na rin sa kapakanan ng kanilang mga guro at estudyante.

Sinabi ni CHED chairman Dr. Prospero De Vera III sa panayam sa Teleradyo nitong Lunes ng umaga, na ang kanilang abiso sa mga unibersidad ay huwag pipiliting magbukas kung hindi pa handa dahil kawawa umano ang mga estudyante at guro kapag hindi pa talaga nakahanda ang eskuwelahan para sa balik klase.

Muli ring nilinaw ni De Vera na hindi sakop ang mga kolehiyo at unibersidad sa pagbabago ng balik klase na inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ngayong School Year 2020-2021.

Ayon kay De Vera, Republic Act No. 7722 o CHEC Law ang nakasasakop sa mga kolehiyo at unibersidad kung saan ay kinikilala ang kalayaan ng mga higher education institution na magpasya sa pagbubukas ng klase.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ched-kolehiyo-unibersidad-wag-magbukas-kung-di-pa-handa/)

Walang komento