Recent Posts

Breaking News

Buwis ng POGO gamitin sa COVID – Drilon

Hihigpitan umano ng gobyerno ang mga patakaran sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa ilalim ng panukalang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 para maiwasan ang panloloko na mga ito, kabilang ang hindi pagdeklara ng kanilang kita.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, sa ilalim ng panukala, ang kita mula sa POGO ang magiging ‘source of income’ na gagamtin para sa COVID-10 stimulus measure at kasama na rin ang probisyon na nag-aatas sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na isara ang mga POGO na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Para mapalakas ang anti-fraud measures ng gobyerno, nakasaad sa Bayanihan 2 na ang buwis ay dapat i-compute sa peso na katumbas sa foreign currency na ginagamit base sa kasalukuyang official exchange rate.

Sabi ni Drilon, layunin nito na maiwasan ang pag-underdeclare ng mga POGO sa kanilang kita.

“Alam natin na dinadaya yung exchange rate kaya ang ginawa natin ay yung official exchange rate at the time of payment ang gagamitin at kapag sila ay nandaya ay pwede silang ipasara at kasuhan,” sabi ni Drilon sa panayam sa radyo.

Ang hindi sumunod sa nasabing probisyon ay ikokonsiderang isang ‘fraudulent act’ dahil ang hindi pagdedeklara ng taxable receipt o income ay maaring patawan ng interest, multa at parusa sa ilalim National Internal Revenue Code of the Philippines.

Nakasaad sa Bayanihan 2 na ang limang porsiyentong franchise tax ay dapat na nasa gross bets o turnover o pre-determinined na minimum na buwang kita ng gaming operation.

Ang lahat ng proceeds mula sa 5-percent franchise tax ay gagamtin para sa COVID-19 measures.

“Dati sa bawat isandaang pisong taya, kung magkano lang ang panalo iyan lang ang babawasan ng buwis. Ngayon ang buong taya o bet, iyan ang babawasan ng 5% ang franchise tax,” sabi ni Drilon.

Ang naturang hakbang aniya ay magreresulta sa dagdag na koleksiyon sa gaming industry na kailangan ng bansa para pondohan ang COVID-19 response nito.

The post Buwis ng POGO gamitin sa COVID - Drilon first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/buwis-ng-pogo-gamitin-sa-covid-drilon/)

Walang komento