Recent Posts

Breaking News

Bukod sa COVID: Polio binabantayan din ng DOH

Isa pang sakit na tinututukan ng Department of Health (DOH) ay ang polio, na muling nakapasok sa bansa noong 2019.

Ayon kay DOH immunization program manager Dr. Wilda Silva, umabot na sa 25 ang natamaan ng polio simula noong Setyembre nang nakaraan taon, 16 sa mga tinamaan nito ang napuruhan at nagkaroon ng disability.

“These are already patients with permanent disability, ito po yung nagkaroon na ng pagkaparalisa ng lower extremities secondary to the poliovirus,” lahad ni Silva.

Karamihan sa mga tinamaan ng naturang polio virus ay nasa pagitan ng edad isa hanggang siyam, kung saan malimit ay mula sa Mindanao.

Halos dalawang dekada walang naitalang kaso ng polio sa Pilipinas, ngunit nabasag ito ng isang bata ang tamaan ng naturang disease sa Lanao Del Sur.

Ayon kay Silva, kanilang pinaigting ang kanilang immunization campaign sa NCR at Mindanao para masigurong ligtas ang kabataan sa polio.

The post Bukod sa COVID: Polio binabantayan din ng DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bukod-sa-covid-polio-binabantayan-din-ng-doh/)

Walang komento