Recent Posts

Breaking News

Bong Revilla pinapatawad na mga basher

Nalungkot si Senador Bong Revilla dahil may mga netizen na humihiling na mamatay na siya, matapos mahawa sa COVID-19.

Matatandaang nanggalaiti ang madla nang masangkot ang actor-politician sa kasong plunder kaugnay sa maanomalya umanong paggamit ng pork barrel funds. Napawalang-sala siya, taong 2018.

“Minsan po nakakalungkot. ‘Yung ibang tao, imbes na i-wish ka na gumaling ka, may nagwi-wish pa na mamatay ka na. Nakakalungkot,” ani Revilla sa isang Facebook Live video.

“Pero ganu’n pa man, sa akin, pinapatawad ko sila. ‘Di nila alam ang ginagawa nila. Mahal ko pa rin kayo kahit winish ninyo ako nang ganun dahil alam ko naman na mas maraming tao ang nagdadasal para sa aking mabilis na paggaling,” saad niya pa.

Sinugod sa ospital ang mambabatas matapos madebelop ang pneumonia makaraang magpositibo siya sa COVID-19.

The post Bong Revilla pinapatawad na mga basher first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bong-revilla-pinapatawad-na-mga-basher/)

Walang komento