Recent Posts

Breaking News

Bong Revilla bumubuti na sa COVID-19

Sinabi ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na maayos naman ang kanyang pakiramdam kasunod ng gamutan, 2 linggo matapos siyang tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kanyang Facebook post noong Linggo, pinasalamatan ng senador ang lahat ng nagdasal para sa kanyang kalusugan at recovery.

“I am responding well to the treatment and medication, and with your prayers, I am beating COVID-19,” sabi ni Revilla.

“Maraming salamat po sa inyong lahat na hindi bumitaw at tuloy-tuloy na nagdasal para sa aking kalusugan,” dagdag pa nito.

Nag-post pa ito ng litrato habang nakahiga sa kanyang hospital bed.

Pinasalamatan din ng senador ang lahat ng mga health worker na umaantabay sa kanya at sa iba pang pasyente ng COVID-19.

“Salamat sa mga doktor at nurse na susi sa aking paggaling at paggaling ng marami nating mga kababayan,” ani Revilla.

“Thank you dear God for guiding all health workers and giving them the strength to push on in these difficult times, and blessing them with your healing hands for them to in turn heal us,” sambit pa nito.

Sinugod si Revilla sa ospital noong nagdaang linggo matapos magkaroon ng pneumonia.

The post Bong Revilla bumubuti na sa COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bong-revilla-bumubuti-na-sa-covid-19/)

Walang komento