Recent Posts

Breaking News

Bong Go: Huwag i-pressure mga estudyante

Nilinaw ni Senator Christopher Bong Go na malasakit at pang-unawa sa mga guro, estudyante at kanilang pamilya ang dahilan kaya niya nasabi na sana ay wala na lang bumagsak ngayong school year.

Ayon sa senador, ang tanging hangad niya lang ay hindi ma-pressure ang mga estudyante at kanilang mga pamilya dahil hindi normal ang sitwasyon dahil sa COVID-19 pandemic.

“Ayaw natin ma-pressure kasi ‘di pa normal ang situation,” sabi ni Go.

Sabi pa nito, habang sinisikap ng pamahalaan na ma-improve ang education system sa bansa at mawala ang gap sa pag-aaral, ayaw naman din nilang makadagdag pa sa stress na dinadanas ng maraming Pinoy.

Ayon kay Go, isa lang din naman ito sa mga suhestiyon, ang mahalaga ay hindi kalawangin ang mga estudyante at tuloy tuloy ang kanilang pag-aaral.

Dagdag pa nito, karamihan ng sector ng lipunan ay apektado ng pandemic kaya dapat maglaan ang gobyerno ng sapat na panahon para maka-recover at makapag-adjust ang mga Filipino.

Matatandaang isa si Go sa mga nagsulong na ipagpaliban muna ang pagbubukas ng klase sa mga eskuwelahan na nakatakda sana sa August 24 na kalaunan ay itinakda sa October 5.

The post Bong Go: Huwag i-pressure mga estudyante first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bong-go-huwag-i-pressure-mga-estudyante/)

Walang komento