Recent Posts

Breaking News

‘Black Panther’ hari sa Twitter

Makasaysayan nga ang anunsiyo na nilisan na ni Chadwick Boseman, ang gumanap na “Black Panther”, ang mundo.

Sinabi kasi ng verified account ng Twitter, Linggo, na ito na ngayon ang “Most liked Tweet ever.”

“A tribute fit for a King,” sabi pa ng Twitter, kalakip ang hashtag na #WakandaForever.

Sa ngayon, 22 oras matapos ilabas ang tweet, lumikom na ito ng 150,100 comments, 2.9 milyong retweets, at 5.9 milyong likes.

Nalampasan nito ang tweet ni dating US President Barack Obama noong 2017 na may quote ni Nelson Mandela. Umani ito ng higit 4.3 milyong likes.

Pumanaw ang hari ng “Wakanda” na si “T’Challa” sa edad na 43, matapos makipaglaban sa stage IV colon cancer nang apat na taon.

The post 'Black Panther' hari sa Twitter first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/black-panther-hari-sa-twitter/)

Walang komento