Recent Posts

Breaking News

Bishop Pabillo kinuwestyon GCQ protocol sa simbahan

Nais ng Simbahang Katolika na dagdagan pa ang bilang ng mga tao na puwedeng lumahok sa mass gathering sa mga simbahan na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Sa radio interview kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ngayong Huwebes, inihayag nito ang naturang kahilingan sa pamahalaan.

Ayon kay Pabillo, kung bibigyan ng mas maraming kapasidad ang mga negosyo sana
nundin ang gawin para sa mga simbahan.

“Parang `di naman tama na bibigyan mo ng 30 percent ang mga restaurant, tapos sa simbahan 10 tao lang. Mas malaki naman `yong simbahan kesa sa restaurant. Parang ‘di logical,” ayon kay Pabillo.

Tiniyak pa nito na sumusunod naman ang mga nagsisimba sa mga health at safety protocol para iwas hawa sa COVID-19 habang nasa loob ng simbahan.

The post Bishop Pabillo kinuwestyon GCQ protocol sa simbahan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bishop-pabillo-kinuwestyon-gcq-protocol-sa-simbahan5/)

Walang komento