Recent Posts

Breaking News

Binay tutol sa RevGov

“No to revolutionary government, yes to the Constitution.”

Ito ang pahayag ni Senador Nancy Binay matapos mapaulat ang panawagang revolutionary government o RevGov ng mga pro-Duterte group.

“Hindi nakaka-flatten ng curve ang RevGov,” tweet pa ng senador kahapon, na patungkol sa COVID-19 curve.

Kamakailan, nagtipon ang nasa 300 katao, kabilang ang mga kasapi ng Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), sa Clark Freeport and Special Economic Zone, Pampanga para sa manifesto signing na nananawagan ng RevGov at paglipat ng bansa sa pederalismo, habang may 2 taon pa sa termino si Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang nagbabala noon ang Pangulo na magdedeklara ng “revolutionary government” at aarestuhin ang kanyang mga kritiko dahil sa patuloy aniyang pagbanat sa kanya sa kabila ng marami na siyang pinoproblema sa bansa gaya ng droga at krimen.

Ang karaniwang nagdedeklara ng RevGov ay mga insurgent group para mapatalsik ang kasalukuyang gobyerno.

The post Binay tutol sa RevGov first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/binay-tutol-sa-revgov/)

Walang komento