Recent Posts

Breaking News

Binay sa POEA, IATF: Deployment ban sa health worker alisin na

Hinikayat ni Senadora Nancy Binay ang Philippine Overseas Employment Administration at Inter-Agency Task Force na tanggalin na ang deployment ban sa mga healthcare worker.

Ayon kay Binay, walang karapatan ang gobyerno na pigilan ang mga healthcare worker na magtrabaho sa ibang bansa para maibigay ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

“For healthcare workers, the struggle to survive is real in the midst of risks and trying to feed a family. Sana maunawaan din ng POEA at ng IATF ang kalagayan ng ating mga nurse na ‘di lang naman sila full-time sa ospital,” sabi ng senador.

“Sa totoo lang, mas mabigat ang pressure kung paano maitatawid ang kanilang mga pamilya sa gitna ng pandemya. Yung travel ban hostages their chance to have a decent work-life balance and give their families a better future,” punto pa nito.

Kung igiit ng POEA na mananatili ang depoloyment ban, sinabi ni Binay na dapat tiyakin ng gobyerno na mabibigyan ng karampatang kompensasyon ang mga healthcare worker sa bansa.

“Hindi naman gugustuhin ng ating mga healthcare workers na magtrabaho sa ibang bansa kung sapat ang kanilang kinikita dito sa atin. May pandemya po at sino ba naman ang gustong mawalay sa kanilang mahal sa buhay sa panahon ngayon?” ani Binay.

“They have long been neglected. Kung itutuloy nila ang deployment ban, at the very least the government should provide our healthcare workers with compensation sufficient enough to provide for their families,” dagdag pa nito.

Inalis din nito ang pangambang kululangin ng healthcare worker sa bansa kung aalisin na ang pag-ban sa mga ito.

Sa 2017 data ng Department of Health, may 750,000 licensed medical professionals sa bansa kanilang ang mga dentist, medical technologist, pharmacist, physician, at midwife.

Sa bilang na ito, 204,437 ang aktibo sa health sector. Ibig sabihin, mahigit 500,000 licensed medical professional hindi napaparaktis ang kanilang propesiyon.

“Kung hindi kaya ng pamahalaan na mabigyan ng trabaho at sapat na benepisyo ang ating mga healthcare workers, hindi naman ata tama na pagkaitan natin sila ng pagkakataon para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya,” ayon kay Binay.

Inisyu ng POEA ang Resolution 09 para sa pansamantalang pagsuspinde sa pagpapaalis ng mga healthworkers sa bansa hangga’t hindi pa naalis ang state emergency sa Pilipinas.

The post Binay sa POEA, IATF: Deployment ban sa health worker alisin na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/binay-sa-poea-iatf-deployment-ban-sa-health-worker-alisin-na/)

Walang komento