Recent Posts

Breaking News

Bentahan ng halaman gustong kontrolin

Naghain ng panukala ang Bureau of Plant Industry para ma-regulate ang ornamental plant industry, pero hindi nila hangad na kontrolin ang presyo ng mga binebentang halaman.

“Ang ire-regulate po natin dito is ‘yung quality nung halaman. Ibig sabihin po ‘yung kanila pong pagpro-produce, papaano po nila prino-produce and, at the same time, ano ba ‘yung mga hinaing at tulong na pwedeng ipaabot ng gobyerno,” sabi sa GMA News’ Stand for Truth ni BPI Agriculturist II Ernie Lito Bollosa.

“Meron po tayong tinatawag na good agricultural practices itong Bureau of Plant Industry na maturuan sila sa tamang paggamit ng kemikal, pasilidad,” aniya pa.

Sinabi ni Bollosa na pwede silang mag-alok ng iba’t ibang training session para mapaunlad ng mga small business owner ang kanilang gardening skills.

Pwede rin aniyang makipagtulungan ang BPI sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa regulasyon ng presyo ng mga binebentang halaman, na sumirit na hanggang P15,000 kada isa habang may anti-coronavirus quarantine.

The post Bentahan ng halaman gustong kontrolin first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bentahan-ng-halaman-gustong-kontrolin/)

Walang komento