Recent Posts

Breaking News

Belmonte sinita DOH sa COVID case report

Sinisi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Department of Health sa isang social media post ng isang COVID-19 patient kung saan nagkulang umano ang QC sa contact tracing.

Paliwanag ni Belmonte, wala umano silang record ukol sa naturang pasyente dahil wala raw binigay na contact detail ang DOH sa pamamagitan ng COVID KAYA system sa kanilang local government unit (LGU).

“We again reiterate our call for the DOH to review their COVID KAYA system because this is where we get our information for our contact tracing efforts. Incomplete data is like looking for a needle in a haystack,” lahad ni Belmonte.

Saad ng alkalde, hindi nalagay ng laboratoryo na nagsuri sa pasyente sa COVID KAYA system na nagpositibo na pala ito sa virus kaya hindi nila nasagawa ang contact tracing.

“We urge DOH to act on this immediately and call the attention of all laboratories and hospitals to submit complete information so that we from the LGU can do our task properly,” giit pa ni Belmonte.

Naglabas ng memo si Belmonte kung saan inutos nito sa mga ospital at laboratoryo na kaagad i-report sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang mga pasyenteng magpopositibo sa COVID-19 para agad itong maaksyunan at makapag-contact trace.

The post Belmonte sinita DOH sa COVID case report first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/belmonte-sinita-doh-sa-covid-case-report/)

Walang komento