Recent Posts

Breaking News

Bayaran sa tollway magiging cashless na

Ipatutupad na ng Department of Transportation (DOTr) ang cashless transaction sa lahat ng mga toll expressway sa bansa simula Nobyembre 2, 2020.

Imbes na karaniwang cash, gagamitin na ang radio-frequency identification (RFID) cards para magbayad ng toll fee.

Ang RFID ay isang contactless technology na ginagamit para magbayad ng toll entry gamit ang automatic scanner. Ibig sabihin, wala nang face-to-face contact kasi hindi na kailangang mag-abot ang driver ng pera sa toll collector.

“Ang magiging requirement po dyan, kung papasok ka at wala kang RFID, pwede kang kabitan. Kung palabas ka naman, sisiguraduhin natin na pwede kang mag-load before the exit para hindi ka makakaabala sa traffic,” wika sa ABS-CBN’s Teleradyo ni Toll Regulatory Board executive director Abe Sales.

“‘Yung RFID, libre naman po ‘yan. Ang binabayaran po, ‘yung load [nung RFID card],” aniya pa ngayong Huwebes.

Pinag-uusapan pa ng TRB at ibang kaukulang ahensiya ang minimum load sa RFID card, pero sabi ni Sales, mukhang ibabatay ito sa babagtasing expressway at haba ng biyahe ng mga motorista.

Batay sa nilabas na kautusan ng DOTr ngayong linggo, ipatutupad ang contactless transaction sa South Luzon Expressway (SLEX), Manila-Cavite Toll Expressway (Coastal Road), North Luzon Expressway (NLEX), South Metro Manila Skyway, Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX); at sa iba pang mga road network, kabilang ang mga extension.

The post Bayaran sa tollway magiging cashless na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bayaran-sa-tollway-magiging-cashless-na/)

Walang komento